Desaparecidos

Desaparecidos
by Desher Empeño

Huwag kalimutan ang mga taong
hindi na natagpuan, walang mga kabaong
ang kanilang mga pamilya ay nagdadala ng kalungkutan
mga nagdudusa– punong-puno ng kagalitan

ang mga pamilya nila ay tunay na nagdurusa
halos nababaliw, namamaos, pinaparusa
sa paghahanap sa kanilang mga nawawalang anak
hindi nila alam na ang gobyerno ay may masamang balak

Sila’y nakukulong, tinatratong bilang hayop
pinahihirapan at binibigyan ng dagok
Mga taong may mga pangarap na baguhin
ang peligrosong lipunan na kanila’y pupunahin

Huwag kalimutan ang mga taong dumugo
habang ang ating lipunan ay tuluyang gumuguho
Sila ay namatay para sa ating kalayaan
Mga desaparacidos, mga bayani ng bayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *